Quantcast
Channel: PEBA, Inc.
Viewing all articles
Browse latest Browse all 166

Mahigit 300 Pilipino ang nawalan ng mga gamit habang isa ang sugatan matapos masunog ang kanilang company accommodation quarters sa Al-Shahaniya, Qatar.

$
0
0



MANILA - Mahigit 300 Pilipino ang nawalan ng mga gamit habang isa ang sugatan matapos masunog ang kanilang company accommodation quarters sa Al-Shahaniya, Qatar.

Bandang alas-4 ng hapon ng Biyernes nang magsimula ang sunog sa 3-palapag gusaling tinutuluyan ng 1,000 manggagawa ng UCC Labor Camp, 33 kilometro ang layo mula sa kabisera sa Doha.

Naapula ang sunog makalipas ang 3 oras.
Ligtas naman ang lahat ng nanunuluyan doon, pero isang Pilipino ang nasugatan sa binti.
Wala rin halos naisalbang gamit ang mga overseas Filpino workers na nakatira sa gusali, na karamiha'y nagtatrabaho bilang cleaner at tea server.

"Walang-wala po kami lahat. Kailangan namin 'yung pang-araw-araw na ginagamit namin, tulad ng damit, sabon, lahat-lahat na po kasi talagang walang-wala po kami ngayon," apela ng OFW na si "Ferdie."


ADD TEXT OR VIDEO HERE


Agad namang naghatid ng tulong ang mga opisyal ng Embahada at Philippine Overseas Labor Offices-Overseas Workers Welfare Administration sa mga biktima ng sunog.
"Kaninang umaga po nandoon po tayo kasama po natin ang assistance to nationals ng Embassy na magbibigay ng consular assistance sa mga kababayan na nawalan ng passport," ani labor attaché David Des Dicang.

"Ang ating kasama sa DSWD ay magpapaabot din po ng financial assistance sa kanila at tuloy-tuloy pa rin po ang pag-mobilize natin sa ating Filipino community groups na nais pong tumulong."
Nakipag-ugnayan na ang mga opisyal ng Pilipinas sa kumpanya ng mga OFW.

"Ang company po nagbigay din ng paunang financial assistance sa ating mga kababayan doon at inaayos po iyong kanilang lilipatan at tinitingnan din po natin iyong appropriate na accommodation po nila," sabi ni Dicang.

"Ituloy lang po natin ang pagtulong sa kanila."
Nagpadala naman ang ilang Filipino organization ng relief goods sa mga nasunugang kababayan.
Nagpaabot ng pasasalamat ang mga nasunugan para sa mga natanggap na ayuda.

"Maganda po 'yung ginawa ng POLO-OWWA ngayong araw na ito sa amin. Pumunta po sila agad-agad para bisitahin kami at tingnan kung ano iyung kundisyon namin. At sa tulong din po ng Filipino community, ng mga organization dito po sa Qatar, ay nagpapasalamat po kami umabot po sa amin ang magandang tulong," sabi ni Ferdie.


  ©2017Pinoy Expats/OFW Blog Awards

Viewing all articles
Browse latest Browse all 166

Trending Articles