Quantcast
Channel: PEBA, Inc.
Viewing all articles
Browse latest Browse all 166

Online na Ngayon ang Pagkuha ng PDOS with Certificate!

$
0
0
Please share this information!

Online na ngayon ang pagkuha ng PEOS! Ang isang Pinoy bago maging OFW o makapunta ng ibang bansa ay kinakailangang sumailalim ng PEOS o Pre Employment Orientation Seminar. Maganda ang layunin ng seminar ngunit ginagamit itong pagkakitaan o bentahan ng mga kung anu anung bagay na hindi pa nga nakakaalis ang isang OFW ay may babayarin na. 
(larawan mula sa POEA PDOS site)

ANO ANG MGA DAPAT GAGAWIN PARA MAKAPAGPEOS ONLINE?

Sa ONLINE PEOS, kailangan mo lamang ang kumpletong pangalan, birthdate, email address at dahilan kung bakit kukuha ka ng PEOS. Ito ay pakikipagpartner sa Jobstreet. 

Pwedeng magsign up kung gagamitin mo ang PEOS, gusto mong malaman ang buhay OFW, sa research o ibang pang mga dahilan bakit ka nagpaparegister. 

ANONG GAGAWIN PARA MAKAPAG ARAL ONLINE

Kumpletuhin ang walong (8) SELF learning modules. Bawat Modules ay 7 minutong pagaaral.

IREVIEW AT SAGUTAN ANG MGA TANONG PAGKATAPOS NG BAWAT MODULE

Sa limang tanong bawat module, dapat makakuha ka ng kahit tatlong tamang sagot.

PRINT YOUR CERTIFICATE

Pagkatapos ng pagaaral at pagsasanay ay isave ang certificate at iprint at ilakip ito sa applications papers sa pagprocess sa POEA ng mga documents.

**********************************

Sa PEOS natutunan ang mga sumusunod:

      ✓ Mga impormasyong kinakailangan sa pangangapply para sa trabahong pang ibang bansa.

(Necessary information on overseas job application procedures)
      ✓ Anong mga dokumentong kailangan at magkano ang magagastos

(Documentary requirements and costs involved)
      ✓ Mahahalagang impormasyon sa pangangalaga at pagbabantay laban sa illegal recruitment

(Important information to safeguard against illegal recruitment) 

Ito ang itsura ng Online PEOS pagkatapos makapagrehistro:






Tingnan ang online PEOS dito sa pahina ng POEA

©2014 Pinoy Expats/OFW Blog Awards


Viewing all articles
Browse latest Browse all 166

Trending Articles